tips bago mag invest sa game crypto |

3 Tips to Keep in Mind Bago Mag-invest sa Game Crypto

Anong tips na dapat kong tandaan bago mag-invest sa game crypto? Mag-aral at mag-ipon Aralin pa lalo at hanapin yung...

By | 06/12/2022 2:15AM

3 Tips to Keep in Mind Bago Mag-invest sa Game Crypto

Anong tips na dapat kong tandaan bago mag-invest sa game crypto?

  1. Mag-aral at mag-ipon
  2. Aralin pa lalo at hanapin yung credentials
  3. If you can’t afford to lose, huwag ng mag invest

Marami ang nagtatanong kung saang crypto games na magandang mag-invest. Kung nahihirapan kang maghanap ng magandang opsyon, ipagpatuloy ang pagbabasa.

Sa blog post na ito, pag-discuss natin kung ano ang mga tips bago mag invest sa game crypto na dapat tandaan mo para pagpili ka ng mabuting investment!

Mag-aral at mag-ipon

Mag-aral at mag-ipon

Bago mo mag-invest ang pera mo, dapat may pera ka. Kailangan mo ng trabaho o negosyo para may pagkukunan ka ng panggastos sa araw-araw na gastusin. Bago mag-invest, kailangan may ipon ka.

Kung may ipon ka, may safety net ka. Ibig sabihin may emergency fund ka para hindi mo kailangan ibenta ang investments mo kapag nagkagipitan.

Ibig sabihin din na may extra kang pera para sa savings mo at sa future investments. Hindi ka gipit na gipit at hindi ka naghihikahos. Kasi kung sakto lang ang kita mo para sa mga gastusin, mahirap kang mag-invest sa crypto.

At, kung marami kang ipon, ibig sabihin na disciplinado ka sa pera. Importante yun kasi ang crypto ay sobrang volatile at unpredictable. Kung disciplinado ka, pwede kang mag-resist sa scam coins, temporary dips, at pwede kang mag-invest na nagtagal. At, pwede mo mag-resist ng “impulse buying” — hindi pwedeng bara-bara, isusugal na agad ang kaunting naipon.

Pero bago mo isugal ang pera mo, dapat alam mo ang ginagawa mo.Habang nag-iipon ka, mag-aral ka ng mabuti sa basics ng cryptocurrency at crypto games, para malaman kung anong magandang investment option, at anong hindi. Maraming kang opsyons sa pag-investan ng pera mo, depende sa OHA mo — objectives, horizon at appetite. Kaya, hindi mo lamang dapat pag-aralan ang mga basics ng crypto, ngunit pag-aralan din kung ano ang gusto mong makuha mula sa iyong mga investments.

Aralin pa lalo at hanapin yung credentials

Pinakabasic ito — lahat tayo dumaan sa crypto games na, na sa tingin namin ay magiging highly profitable. Pero, kahit na mukhang profitable, hindi ito guaranteed. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang gawin ang iyong pag-aaral sa bawat crypto game para makagawa ng mas-informed desisyon tungkol sa iyong investment.

Dapat tayo gumawa ng research para maging knowledgeable tungkol sa anong crypto game na interesado ka. Makinig sa youtube, mag-google, magbasa ng news at magbasa sa posts nila, at kung ano ang sinasabi ng ibang tao sa discussion forums.

Pinakamahalaga, tingnan mo ang kanilang website. Dito ka mag-research muna ang features, development plans, at roadmap ng development team at ano ba ang goals ng kanilang crypto game.

Pero hindi porket may magandang website sila ay legit na yung crypto game nila. Ang hinahanap mo ay yung laman ng website — what information do they give you about the people behind the game? Kung may developers page, tignan mo anong meron tungkol sa iba’t ibang team members nila. Ano yung credentials ng team members? May game developers ba? May good track record ba o successful projects ba sila?

At dapat siguraduhin mo na katiwa-tiwala and development team ‘yon — dapat may credentials sila. Katulad ng mga kumpanya, dapat alam mo yung background at achievements ng kumpanya bago mag-invest ka sa stocks nila.

Mas mabuti kung ang website nila ay meron na maraming ibang content, katulad ng whitepaper, blog posts, updates, demo videos, pictures ng mga may-ari. Sa white paper lalo, basahan mo na mabuti para siguraduhin ka na may sense at may value proposition ng document nito. Dapat may vision, mission, goals, technology, timeline, paano sila maging profitable para sa players, at paano patakbuhin ang project (i.e. governance protocols) sa white paper nila.

At, dapat ka mag-aral sa lahat ng klase ng investment, at anong kasamang risk. Hindi dapat basta pinapasok ng wala kang nalalaman at hindi sapat yung may pera ka lang para mag-invest sa kahit anong crypto game. Kahit marami kang pera mauubos lang din yan kung wala kang alam sa tungkol sa crypto game at project kung saan ka nag invest.

If you can’t afford to lose, huwag ng mag invest

If you can't afford to lose, huwag ng mag invest

“Only invest what you can afford to lose” — ito ay ang pinaka-importanteng tip para sa anu-anong investment guide.

Kung ilalagay mo lahat ng ari-arian mo pag nag-invest ka sa isang crypto game, tapos biglang nagkaproblema sa crypto game iyon, nganga ang aabutin mo. May risk talaga, kahit anong project na nag-invest ka. Ito ay dapat niyong tandaan.

Ito ang dahilan kung bakit mag-DYOR ka, na naglalaman ng oras upang pag-aralan ang proyekto at ang development team, at ang pag-aaral ng mga basics ng investment, crypto markets, at crypto trends na mabuti.

Ang pag-aaral sa mga bagay na ito ay makakatulong sa iyong decision making process — at maging mas mahusay ng mga desisyon mo pagdating sa iyong pera. Kung wala kang “high risk appetite”, o hindi mo kayang mawalan ng malaki, kung gayon ang iyong kaalaman sa crypto games at crypto markets ay makakatulong sa iyong magpasya sa tamang amount ng pera na ilalagay.

Ang paggawa nito ay makakatulong na protektahan ang iyong sarili mula sa pagkawala ng hindi mo kayang bayaran.

Key Takeaway

May maraming investments na pwede kang ilalaygay ng pera mo, pero dapat na aralin mo mabuti. Gamitin mo ng itong tatlong tips bago mag invest sa game crypto para alam mo kung anong mga projects ay attractive at profitable, at upang matulungan kang magkaroon ng balanse sa kita mo at iyong risk appetite.

Interesado ka sa paghahanap ng paparating na crypto games na may maraming potensyal? Check out Imperium Empires! Dahil sa world-class na pangkat ng developers na likha ng proyektong ito, kami ang unang AAA space metaverse, “guild-to-earn” game na napunta sa merkado. Basahin ang aming whitepaper para malaman pa!