paano gamitin ang coins app para mag invest sa crypto | paano mag invest sa crypto |

Paano Mag Invest sa Crypto Gamit ang Coins.ph App

Paano mag-invest sa crypto gamit ang Coins.ph App? I-download ng Coins.ph app Mag-set up ng account Maghintay ng verification code...

By | 04/08/2022 9:32AM

Paano Mag Invest sa Crypto Gamit ang Coins.ph App

Paano mag-invest sa crypto gamit ang Coins.ph App?

  1. I-download ng Coins.ph app
  2. Mag-set up ng account
  3. Maghintay ng verification code
  4. I-Load yung Coins.ph Wallet mo
  5. Bumili at magbenta ng mga cryptocurrencies

Ang Coins.ph ay isang cryptocurrency exchange platform para sa pagtetrade ng mga pondo mo (sa pesos o fiat money) para sa mga iba’t ibang cryptocurrencies — gaya ng Bitcoin, Ether, at iba pa.

Libre para gumawa ng account sa Coins.ph, at madali pa! Pwede kayong gumawa ng account sa aming website dito, o sa mobile app namin sa Android or iOS.

Interesado ka ba? Basahin ang aming gabay sa paano mag invest sa crypto para simulan ang pagtetrade ng crypto!

Legal ba ang Coins.ph?

Oo, legal ito. May virtual currency exchange license galing ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ibig sabihin, si Coins.ph ay sumusunod ng regulations ng BSP pag tungkol sa pera. At, subject ni Coins.ph sa mga rules and regulations ng Anti-Money Laundering Act (AMLA). Gumagamit din ito ng industry-standard security measures tulad ng SSL connections to AES-225 Encryption. Itong platform ay 100% ligtas na gamitin.

Madali bang magtrade sa Coins.ph?

Madali ka mag-trade sa Coins.ph, kahit na ginagamit mong mobile app. Mayroon din na tinatawag na “basic” mode ang mobile app ng Coins.ph. Ang “basic” mode ay maganda para sa mga bago pa lamang nagtetrade ng cryptocurrency.

Paano mag-register at magsimula sa Coins.ph

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coins.ph (@coinsph)

Ang aming gabay para sa Coins.ph ay para sa kanilang mobile app, upang ituro ang proseso para sa pag-register at pag trade sa kanilang platform. Ang proseso ay katulad ng kung paano gamitin ang desktop version ng Coins.ph.

I-download ng Coins.ph app

Sa inyong mobile phone, punta sa Google Play Store (para sa Android), o sa Apple Store (para sa iPhone) at mag-search ng “Coins.ph.” Ang app ay dapat na pinangalanang “Coins.Ph Wallet,” at binuo ng “Coins Asia.”

Kapag nakita mo sa search results, pindutin ang “Install” o “Get” button. Hintaying matapos ang pag-download ng app.

Mag-set up ng account

Para makapag sign-up, buksan ang app, at i-click ang Sign Up with Facebook o Sign Up. Hihingan kayo ng inyong login details kasama ang iyong email o mobile number, at password.

I-click ang Create Account. Sa pagpili ng password, kinakailangan na gumamit kayo ng password na binubuo ng hindi bababa sa isang numero at walong letra. Maging maingat po na ‘wag kayo gumamit ng password na ginamit ninyo sa ibang app o website.

Pagkatapos, sagutin yung general information form ng Coins.ph, na kinabibilangan ng employment status at work industry mo. At, i-submit mo ng isang valid government-issued ID mo at selfie para makumpleto ang iyong account.

Ito ang listahan ng mga valid IDs na pwedeng magagamit mo:

  • Passport
  • Driver’s License (including Student Permits with official receipt)
  • Social Security System (SSS) Card (date of birth must be visible on the ID)
  • Professional Regulation Commission (PRC) ID
  • Postal ID (old postal IDs must have a photo of both front and back)
  • Unified Multi-Purpose ID (UMID)
  • Philippine Identification System (PhilSys) ID
  • NBI Clearance
  • Armed Forces of the Philippines (AFP) ID
  • Philippine National Police (PNP) ID
  • Bureau of Fire Protection ID
  • Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons (NCWDP)
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
  • OFW ID
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • Police Clearance Certificate or Police Clearance Card
  • Seaman’s Books
  • National Integrated Bar of the Philippines ID
  • Alien Certification of Registration or Immigrant Certificate of Registration

Maghintay ng verification code

Pagkatapos gawin ito, punta kayo sa e-mail o mobile number na binigay mo sa account registration at maghintay niyo ng verification code. Maaaring i-copy-paste ang verification code na nakukuha mo sa pahina sa screen mo, tapos i-click ang “Verify” button.

I-Load yung Coins.ph Wallet mo

Maghintay ka lang para sa kumpirmasyon email o message, at mayroon ka ng sariling Coins.ph account! Congratulations!

Pwede na kayo bumili at magtrade ng cryptocurrencies, at marami pang iba.

Pero bago magawa ito, kailangan niyo mag load ng pondo sa iyong E-wallet. Pwede magagawa niyo ‘to sa bank transfer, o sa aming mga partner cash-in outlets.

Ito ang step-by-step guide para i-load ang Coins.ph wallet mo:

  • Sa iyong app, i-click ang “Wallet.”
  • Sa PHP wallet, i-click ang “Cash In” option.
  • Piliin ka kung anong gusto mong mode of transfer: Online, E-wallet (GCash), or OTC.
    • Payment and Remittance centers:
      • 7-Eleven CLiQQ
      • Bayad Center
      • Cebuana Lhuillier
      • GCash via DragonPay
      • M Lhuillier ePay
      • Palawan Express Pera Padala
      • TouchPay
      • UnionBank
  • Ilagay ang gusto mong cash-in amount.
  • I-click ang “Next,” at i-review yung transfer details.
  • I-click ang “Confirm” kung tama.
  • I-check ang iyong emails o messages para sa payment instructions.

Bumili at magbenta ng mga cryptocurrencies

Kapag may pera ka sa iyong Coins.ph wallet, pwede ka magtetrade ng cryptocurrencies, tulad ng ETH, BTC, AAVE, at marami pang iba!

Ito ang aming gabay kung paano bumili at magbenta ng cryptocurrencies sa Coins.ph:

  1. Sa Coins.ph mobile app, i-click ang “Convert” option.
  2. Piliin sa lista ang cryptocurrency na gusto mong bilhin, at I-click mo.
  3. Ilagay ang amount na gusto mong bilhin (o ibenta) sa pesos.
  4. I-review ang detalye ng iyong transaksyon, at i-click ng “Convert.”

That’s it! Ang amount na nilagay mo ay awtomatikong mako-convert, at ang iyong bagong crypto wallet ay nagpapakita ng iyong bagong balanse.

Key Takeaway

Ang Coins.ph ay isang ligtas at matatag na platform para magtetrade ng mga cryptocurrency! Sobrang mabilis mag set-up ng iyong sariling account, at naka-streamline na proseso ng pagbili at pagbebenta ng iba’t ibang cryptocurrencies. Gamitin ang aming gabay sa paano mag invest sa crypto para makapagsimula ka din!